SANTA CRUZ, Marinduque – Kasalukuyang nagsasagawa ng Basic Rescue Techniques Course (BRTC) ang Bureau of Fire Protection-Marinduque sa pangunguna ni Col. Vicky Padua-Brual, provincial fire marshall sa Tamayo Training Center sa bayan ng Santa Cruz.
Ang 15 araw na pagsasanay ay nagsimula noong Setyembre 21 at magtatapos sa Oktubre 4, 2018.
Sa panayam ng Marinduque News kay Col. Vicky Padua-Brual sinabi nito, “Through this training, BFP-Marinduque will have our own Special Rescue Unit as we believe that life is of utmost value than anything else. We tender services, beyond the call of duty so that others may live.”
Layunin ng BRTC na mas lalo pang paigtingin at palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BFP sa pagresponde sa buhay at kagamitan sa oras ng kalamidad at sakuna.
Inaasahan namang darating si SSUPT Roderick Aguto, Regional Director ng BFP-Mimaropa. –Marinduquenews.com