Bishop Maralit, iluluklok bilang bagong obispo ng San Pablo sa Nov. 21

BOAC, Marinduque — Nakatakdang iluklok bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna si outgoing Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. sa darating na Nobyembre 21.

Ang installation mass ay gaganapin sa Cathedral of St. Paul the First Ermit sa San Pablo City, kasabay ng Kapistahan ng Paghahandog kay Maria sa Templo.

Si Maralit na hinirang ni Pope Francis noong Setyembre 21 na naging obispo ng Boac sa nakalipas na siyam na taon ay pamumunuan ang mas malaking kongregasyon ng simbahan.

Mula sa pamahahala sa isang maliit na diyosesis ng isla na may 14 lamang na parokya at binubo ng 41 pari at populasyon na humigit-kumulang 250,000 ay inaasahang maglilingkod sa San Pablo, na mayroong 91 parokya, 150 pari at humigit-kumulang tatlong milyong Katoliko.

“I felt some form of fear and apprehension,” Maralit said. “Just thinking about the changes and the realities in such a setting was somehow overwhelming and was even making me doubt myself.”

Ibinahagi ng 55 anyos na obispo na napamahal na sa kanya ang Marinduque na itinuring n’yang tahanan sa loob ng halos sampung taon.

“And this new appointment means I will be leaving the priests and faithful who have shown me only love and affection. I will be leaving the same people I have really grown to love and genuinely care for,” pahayag ng obispo.

Sinabi pa ni Maralit na ang bagong yugtong ito ng kanyang paglalakbay ay nagpaalala ng kanyang pangako noong siya ay naging obispo taong 2014 na huwag nang tanungin ang kalooban ng Diyos, “sa halip ay lubusang magtiwala sa Panginoon.”

“[From] sadness, fear and apprehension, it eventually became a feeling of hope and trust,” saad pa ni Maralit. “God’s wisdom and grace will always be greater than my fears and inadequacies!” — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!