Bisitahin ang ‘pavillion’ ng Marinduque sa Ika-2 Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair ngayong Oktubre 19-23 sa Megatrade Halls 1&2, SM Megamall, 5th Floor Building B, Mandaluyong City. Magsisimula ang programa, ganap na ika-1:00 ng hapon.
Ang Mimaropa Naturally Regional Trade Fair ay naglalayong maging isang taunang ‘social-cultural’ na pagdiriwang kung saan ang mga mamamayan, produkto, turismo at kulturang taglay ng bawat lalawigan ay ipinagkakamapuri.
Layunin din ng gawaing ito na matulungan ang small medium enterprises (SME’s) na ibenta at ipakilala sa mas malawak na merkado ang mga lokal na produkto.
Ang proyektong ito ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry-Region 4, Department of Agriculture-Region 4, Department of Tourism-Region 4, Provincial Government of Oriental Mindoro, Provincial Government of Occidental Mindoro, Provincial Government of Marinduque, Provincial Government of Romblon, Provincial Government of Palawan, City of Calapan, at City of Puerto Princesa.