Biyahe ng barko mula Lucena patungong Buyabod Port, Marinduque sisimulan na

SANTA CRUZ, Marinduque – Bilang bahagi ng pagpapalakas ng ekonomiya at turismo sa Marinduque, nakatakda nang muling buksan at simulan ngayong buwan ng Oktubre 2019 ang biyahe ng barko mula Lucena City patungong Santa Cruz, Marinduque.

Ayon sa panayam ng Marinduque News kay Roberto Gavalos, operation supervisor ng Montenegro Lines sa Lucena Satellite Office, inaasahang magsisimula ang bihaye ng fast craft na M/V City of Lucena sa ikalawang linggo ng Oktubre, pagkatapos maisaayos ang lahat ng mga kinakailangang dokumento.

Kaninang umaga ay nagsagawa na umano ng sea trial run ang fast craft na bibiyahe sa Talao-Talao Port, Lucena City patungong Buyabod Port sa bayan ng Santa Cruz.

Ang M/V City of Lucena ay may kakayahang magsakay ng mahigit 200 pasahero.

Tinatayang humigi’t kumulang dalawang oras lamang ang magiging biyahe mula Lucena City patungong Santa Cruz, Marinduque.

Dalawang beses sa loob ng isang araw ang magiging biyahe ng nasabing fast craft. Narito ang ‘schedule’ ng biyahe:

BUYABOD PORT, SANTA CRUZTALAO-TALAO PORT, LUCENA
6:00 AM9:00 AM
12:00 NN3:00 PM

Narito naman ang ‘passenger fare’ sa fast craft:

Regular passengerPhp 570.00
Student (with valid ID)Php 485.00
Senior Citizen (with SC ID)Php 407.00
Children (3-7 years old)Php 285.00

Sakaling magsimula na ang regular na biyahe, malaki ang maitutulong nito para sa pagpapabilis ng transportasyon ng mga produkto mula sa mainland Luzon at probinsya ng Marinduque gayundin, mapalalakas nito ang sektor ng turismo lalo pa at malapit lamang ang pantalan ng Buyabod sa Maniwaya Island na patok ngayong puntahan ng mga turista. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!