Buenavista, niyanig ng apat na magkakasunod na lindol

BUENAVISTA, Marinduque — Niyanig ng apat na magkakasunod na lindol ang bayan ng Buenavista sa probinsya ng Marinduque, umaga ng Lunes, Abril 14.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, nangyari ang unang pagyanig sa may hilagang silangan ng nasabing bayan na may magnitude 2.3 pasado alas 4:00 ng umaga na may lalim na 003 kilometro.

Sinundan ito ng 2.6 magnitude na may lalim na 007 kilometro bandang 4:22 am habang naitala naman ang ikatlong pagyanig pasado alas 5:11 ng umaga na may magnitude 2.3 at lalim na 006 kilometro.

Anim na minuto lamang ang nakalilipas ng muling maitala ang pang-apat na lindol bandang 5:17 am na may magnitude 3.1 at lalim na 010 kilometro.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng mga ito at walang inaasahang pinsala o aftershocks bunsod ng lindol. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!