MOGPOG, Marinduque — Balik na sa normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat at mga pasahero sa Balanacan Port matapos itong kanselahin sanhi ng malalakas na hangin at alon sa karagatan.
Read also: Byahe sa Marinduque, suspendido pa rin; 300+ pasahero, stranded sa Talao-Talao Port
“Magsisimula po ang biyahe ng mga barko ngayong araw, Disyembre 18 sa Balanacan Port, Mogpog patungong Talao-Talao Port, Lucena, ganap na ika-5:30 ng umaga”, pahayag ni Petty Officer III Denmark Cueto ng Coast Guard Sub-Station Balanacan sa bayan ng Mogpog.
Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna na dulot ng hindi magandang panahon. — Marinduquenews.com
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera