Upang maiwasan na maging biktima o masangkot sa iba’t-ibang krimen ang mga kabataang Calapeño, minarapat ni Calapan City Mayor Arnan C. Panaligan na ipatupad ang curfew on minors City Ordinance no. 4-03 o mas kilala sa tawag na Child Welfare Code of the City of Calapan.
Ang curfew ay ang takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga kabataan na magpakalat-kalat sa lansangan at paalalang oras na nang pag-uwi sa kani-kanilang mga tahanan. Ang mga kabataang mahuhuling lalabag sa ordinansang ito ay agad mapupunta sa pangangalaga ng CSWD at kinakailangang sumailalim ang mga magulang at ang bata sa seminar on duties and responsibilities of parents and children bago makabalik sa kanilang mga tahanan.
Ipatutupad ang ordinansang ito dahil una at importante sa isang komunidad ang kaligtasan ng mga kabataan.
Magiging epektibo ang nasabing ordinansa simula sa Hulyo 15, 2018. -Photo by Tatak Calapeño, Marinduquenews.com