Pumanaw na nitong Lunes, Marso 27 sa edad na animnapu’t siyam si dating Marinduque governor Antonio “Bong” Carrion matapos makipaglaban sa sakit na lung cancer.
Nahalalal si Carrion bilang gobernador ng lalawigan noong 1995 at naglingkod hanggang 1998. Muling kumandidato sa pagkagobernador noong 1998, 2001 at 2004 subalit hindi pinalad na manalo. Pagkatapos ng siyam na taon, muling nahalal si Bong Carrion bilang gobernador noong 2007 ‘Legislative and Local Elections’ at nagsilbi hanggang 2010.
Nakaburol ang mga labi ng dating gobernador sa Sanctuario de San Antonio, Capilla de la Virgen, McKinley Road, Forbes Park, Makati City simula Marso 27 hanggang Sabado, Abril 1.