Day of mourning, idineklara sa Marinduque kasunod ng pagpanaw ni Reyes

BOAC, Marinduque – Idineklara ng bagong gobernador ng Marinduque na si Romulo Bacorro, Jr. ang Enero 10 bilang ‘day of mourning’ kasunod ng pagpanaw ni Gov. Carmencita Reyes.

Sa inilabas na executive order ni Bacorro, sinabi nito, “It is fitting to set aside a day of mourning to honor a great leader who has left an enduring legacy to our people”.

Executive-Order-Declaring-Jan-10-a-Day-of-Mourning-in-Marinduque

Ini-utos din ni Bacorro na ilagay sa half mast ang mga bandila sa buong lalawigan.

Matatandaang namatay si Reyes sa edad na 87 nitong Lunes, Enero 7 dahil sa abdominal aneurysm.

Nakaburol ang mga labi ng gobernadora sa The Heritage Park sa Taguig City at nakatakdang iuwi sa Marinduque sa Huwebes. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!