TORRIJOS, Marinduque – Nakatakdang dumating si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa Marinduque ngayong Biyernes, Setyembre 13.
Si Cimatu ang panauhing pandangal at tagapagsalita para sa ika-119 na taong paggunita ng Labanan sa Pulang Lupa na may paksang “Giting at Tapang ng Marinduqueno: Susi sa Tunay na Kaunlaran at Pagbabago”.
Read also: Walang pasok sa Setyembre 13 sa probinsya ng Marinduque
Ang makasaysayang pagdiriwang ay isasagawa sa Pulang Lupa Historical Park, Barangay Bolo, Torrijos. – Marinduquenews.com