BOAC, Marinduque — Nagsagawa ng disinfection ang Provincial Health Office sa bawat tanggapan ng Marinduque provincial capitol kamakailan.
Ito ay sa gitna pa rin ng banta ng coronavirus disease (COVID-19), at makaraang may maitalang nasawi na empleyado ng kapitolyo matapos itong magpositibo sa antigen test.
Ayon sa Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan, bagama’t hindi inaasahan ang naturang insidente, patuloy pa ring pinaaalalahanan ang lahat na sundin ang minimum health protocols.
Laging maghugas ng kamay gamit ang tubig at sabon o kaya ay sanitizer at alcohol upang mamatay ang mikrobyo. Magsuot din ng face mask o face shield sa tuwing lalabas ng bahay para maiwasan na makalanghap ng droplets na posibleng carrier ng virus.
Palagi ring pairalin ang physical distancing o isa hanggang dalawang metrong layong pagitan sa katabi.
Samantala, kabilang ang New Administration Building, mga tanggapan ng sangguniang panlalawigan at iba pang kwarto sa kapitolyo, upang i-disinfect. — Marinduquenews.com