BOAC, Marinduque — Inaanyayahan ng Department of Science and Technology-Mimaropa ang mga Overseas Filipino Workers na mag-apply sa kanilang bagong programa para sa mga OFW – ang I-FORWARD PH.
Ang I-FORWARD PH o Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines ay naglalayong mabigyan ng oportunidad ang mga OFW na makapagtayo ng technology-based na negosyo. Upang maging kwalipikado bilang isang technology-based na negosyo, dapat magkaroon ito ng aspeto ng agham at teknolohiya.
Maaaring sumali sa programa ang mga umuwi ng Pilipinas sa huling tatlong (3) taon at walang kasalukuyang kontrata sa ibang bansa. Kung may kontrata man ay mayroong isang miyembro ng pamilya na makapagpapatuloy ng pag-aaral, pagtatag, at pamamahala ng negosyo. Kung ang aplikante ay may kapansanan o kailangang bumalik sa ibang bansa para magtrabaho, dapat maipagpatuloy ng kapamilya ang mga naiwang sesyon ng programa.
Upang maging kwalipikado bilang isang technology-based na negosyo, dapat magkaroon ito ng aspeto ng agham at teknolohiya. Ang mga sumusunod ay ang mga prayoridad na sektor:
- Food processing (ie. sweet preserves, spreads, bottled food products, beverages, etc.)
- Furniture making (ie. chairs, tables, cabinets, etc.)
- Gifts, housewares, decors (ie. tailored products, leathergoods, souvenirs, other creative products)
- Agriculture, marine and aquatic resources (ie. farming, poultry, livestock, horticulture, hydroponics, etc.)
- Metals and engineering (ie. fabrication of food processing equipment, farm implements, or agrimachinery, welding, ads and signages)
- Health and pharmaceuticals (ie. health and wellness products, medicines, food supplements)
- ICT/Electronics (ie. systems development, automation, manufacturing of electronic products)
- Science and Technology (S&T) Services (ie. engineering consultancy, IT consultancy)
Kung mayroon nang naisip na negosyo, maaari mong ipakita ito kasabay ng pagpasa ng aplikasyon. Sa kabilang banda, kung wala pang naiisip na negosyo, maaari ka pa ring mag-apply at pag-aralan ang mga teknolohiya mula sa ahensya.
Para sa mga interesadong sumali, maaaring pumunta sa website link bit.ly/IFWDPH o tumungo mismo sa pinakamalapit na Provincial Science and Technology Center sa inyong lugar. Para sa karagdagang katanungan, bumisita sa Facebook page ng DOST-MIMAROPA o tumawag sa numerong 8837-3755 o magpadala ng email sa official@mimaropa.dost.gov.ph. — Marinduquenews.com