Sa Marinduque, niyakap ni Mayor Duterte na may buong pagmamahal ang bandila ng Pilipinas | Photo: Toper Matienzo |
Wala ng nakapigil pa sa pagbisita ni Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa tinaguriang sentro ng Pilipinas, ang mapayapa at magandang islang lalawigan ng Marinduque.
Hindi magkamayaw ang dami ng tao na dumagsa sa People’s Park o mas kilala na Guingona Park sa Bayan ng Gasan, kung saan ginanap ang Presidential Campaign Rally ni Duterte.
Thousand of supporters flock to People’s Park Marinduque | Photo: Bhay Lineses Buenaventura |
Bagama’t nagkaroon ng ilang pagbabago kagaya ng ‘di pagpayag ng Marinduque State College Board of Trustees na sa MSC Boac Campus Oval ganapin ang nasabing pagtitipon, gayundin ang pagtutol ng ibang grupo na hindi na diumano pa nararapat magtungo ni Duterte sa Marinduque sapagkat ‘di naman ito kabilang sa vote rich provinces ay pinili pa rin ni Mayor Digong na magtungo at maglaan ng panahon sa hugis puso ngunit napag-iiwanang isla. Pinatunayan lamang nito na malaki o maliit, ang lahat ay pantay pantay, ang lahat ay mahalaga.
People’s Park Marinduque, Gasan | Photo: Julz Rocamora |
#DU30Marinduque, Trending
Nagtrending naman sa Facebook ang hashtag na pinasimulan sa news portal na ito, ang #DU30Marinduque. Umabot sa 3,300+ shares, 1,030+ likes, 90+ comments sa Facebook at nagtala ng 10,197 views sa blogspot ang post na Duterte, Nasa Marinduque na #DU30Marinduque sa loob lamang ng limang oras.
Facebook Analytics |
Blogspot Analytics |
Narito ang pahayag sa Facebook ng ilan nating mga kababayan:
“Welcome #Duterte sa aming mahal na bayan. Maraming salamat at kahit na napakaliit ng aming probinsya ay hindi mo nakalimutang puntahan!” -Hannahflor Ampeloquio
“Thank you Mayor Duterte and our future president kasi nakarating ka sa Marinduque. Mabuhay ang Marinduque para kay Mayor Duterte.” -Liza Reyes Montebon
Mga kabataan, todo suporta din kay Duterte | Photo: Julz Rocamora |
“Respeto po natin ang isa’t isa. Para sa akin, mainam na maging pangulo ang taong my paninindigan at nakitaan na ng nagawa sa kanyang bayan. I’m voting for Mayor Duterte of Davao City. Salamat rin at nakapunta rin s’ya sa ating mahal na lalawigan. Pray for a better future not only for our self but also for our next generation. Vote wisely my fellows kababayans.” -Gerardo Jr Montenegro
“It’s good for us Marinduquenos face and change the dirty politics and wrong doing, solid Duterte tayo!” -Jaymar Hirondo
Main Event Organizer, Nagpasalamat
“Salamat sa napaka overwhelming support na ibinigay ng Marinduque sa pagdating ni Mayor Duterte. To Mel Go and Mayor Lim being in one stage, saludo po ako sa inyong respeto sa bawat isa. To Sir Allan Velasco na hindi man lang nagsalita before the crowd. My respect on you sir and super dooper thank you for believing in me even though we had a rough time with the venue. I might not have met your standards but I hope that I was able to justify what people expected of me. It was a tough job to handle such event. To all the volunteers who patiently waited for hours between rain and shine kahit walang lunch salamat sa inyo. I would like to extend my sincerest thanks to the crew who helped me since Monday, wrapped the event at the very last minute yet we were able to make it in 28 hours. Walang pahinga, walang tulog but it is all worth it!” -Seller Nolos
Velasco at Duterte | Photo: Toper Matienzo |