BOAC, Marinduque – Walang pasok ang mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya sa buong Marinduque ngayong darating na Biyernes, Setyembre 21.
Ayon sa inilabas na ‘memorandum order’ ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes, suspendido ang klase sapagkat bukas gugunitain ang makasaysayang Labanan sa Pulang Lupa.
Naantala ang programa ng pamahalaang panlalawigan sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa noong Setyembre 13 dahil sa inasahang masamang panahong dulot ng bagyong Ompong.
“We are celebrating this year’s Anniversary of the Battle of Pulang Lupa on Friday, September 21, 2018. 8:00 AM at the Battle Site in Poctoy, Torrijos, this province. This event was supposedly on September 13, 2018 but due to heightened alert and super typhoon, Memorandum No. 2018 – 183 dated September 11, 2018 was issued to move the celebration on the later date. However, we cannot let pass the historical event not only because Marinduqueños are the victors but also because this is one of the five (5) battles that Filipinos won over the Americans”, bahagi ng memorandum order na inilabas ni Reyes.
Una ng nagpalabas ng susyensyon ng klase si Reyes noong Seytembre 11. –Marinduquenews.com