Nais humingi ng paumanhin ni Enchong Dee sa tourism board ng Marinduque sa pagkakamali niya sa press conference ng Knowledge Channel kahapon, September 5.
Ito ay matapos niyang banggitin na sa Marinduque siya nagkaroon ng allergic reaction nang maligo siya sa dagat, sa halip na sa Oriental Mindoro.
Nailathala ang panayam kay Enchong tungkol sa kanyang allergy sa Cabinet Files column ng PEP Alerts, kahapon, September 5.
Sa panayam ni Enchong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang PEPLive interview ngayong Biyernes ng hapon, September 6, nilinaw niya ang kanyang naunang interbyu.
Pahayag ng Kapamilya actor: “I just want to apologize for my misinformation yesterday in the press conference of Knowledge Channel, because in my statement, I incorrectly mentioned Marinduque instead of Oriental Mindoro, where the mining company was closed in response to the destruction of the marine life in that city.
“It’s actually Oriental Mindoro, and I just want to apologize to the Tourism Board of Marinduque.
Enchong’s Allergic Reaction
Sa kuwento ni Enchong sa press conference, nakaramdam siya ng burning sensation sa kanyang mata nang maligo siya sa beach habang breaktime nila sa pagsu-shoot para sa programang Agricoolture sa Knowledge Channel.
Ikinuwento rin sa kanya na ang allergic reaction na kanyang naranasan ay dahil sa toxic waste na nanggaling sa mining company na ipinasara ng namayapang si Gina Lopez.
Nilinaw naman ni Enchong sa PEP.ph interview na hindi kasali sa episode ang paliligo niya sa dagat sa Oriental Mindoro.
Sabi niya, “Nag-beach lang talaga ako dun. It’s not part of the episode.
“Kumbaga, I was enjoying my personal time when it happened.
“Kasi, yung toxic waste noong mining company, it goes straight to the beaches, to the shoreline, so deads talaga, wala talagang marine life, which is bad.
“And then, sabi ko, ‘Bakit may burning sensation itong area ng mata ko?’
“When I found out, they’re still in the process of clearing it out.
“I think it was closed like more than two years na nasara, but they’re still reviving everything, and it’s sayang kasi parang tinanggalan mo ng buhay yung karagatan doon sa area na yun.” – This story was first published on Pep.ph