Nagbabalik si Enchong Dee bilang host ng Season 3 ng Agricoolture ng Knowledge Channel.
Mapapanood sa darating na October, tuwing Biyernes at Sabado, 4:30 P.M., ang programa niya.
Ang Marinduque ang isa sa mga lugar na binisita ni Enchong para sa isang episode ng Agricoolture, at doon siya nagkaroon ng allergy dahil sa paliligo sa dagat.
Kuwento ng Kapamilya actor, “Noong nag-shoot kami sa Marinduque, noong may free time kami, nag-swimming ako sa dagat.
“Hindi ko maintindihan bakit umiinit yung balat ko sa may mata, at saka yung mata ko, nagsisimula nang mamula.
“Nung nagtanong ako bakit parang may allergic reaction ako sa tubig, I found out na dun pala sa Marinduque, merong ipinasara na mining company si Ms. Gina Lopez.
“Sabi ko, these are the things na hindi alam ng mga tao.
“Nagtataka ako bakit parang patay yung dagat, walang corals, walang mga fish.
“Sabi ko, hindi natin alam na may ginagawa pala para sa bansa natin, ‘tapos we are just taking these for granted.
“Ang dami kong natutunan, even if no one is looking, do the right thing.”
Patuloy ni Enchong, “Mga one week akong nagkakaroon ng allergic reaction, pero sabi ko, even the people that are living around that area, sobra silang apektado na sana, again, lagi kong sinasabi, tayo-tayo lang ang tutulong sa bansa natin, gawin na natin.
“Yung balat ko around my eyes, lalo siyang namula for one week, kahit nagda-drops ako, yung prescribed ng doctor sa akin, hindi siya nawawala because of the chemicals from the mining companies na dumidiretso sa dagat.
“That’s why, yung dagat, patay, and it will take years and years bago siya mag-clear out talaga.”
Nagpakita si Enchong ng malasakit sa kapaligiran at natural na kalikasan na sinisira ng ibang mga taong inuuna at mas pinahahalagahan ang mga personal na interes. – This story was first published on Pep.ph