Kasabay ng pagdiriwang ng mga bagong halal na nanumpa sa tungkulin kahapon, Hunyo 30, 2016 ay nagkaroon din ng pagtitipon “Fellowship Night” ang mga kasapi ng Club Marinduqueno, Inc. (CMI) upang pag-usapan ang mga proyekto nito sa mga susunod na buwan. Ang Fellowship Night ay isinagawa sa Penthouse ng Eastgate Center sa Boni Avenue, Mandaluyong City.
Ang Club Marinduqueno, Inc. isa sa mga pangunahing Marinduque non-government organization na itinatag noong 1991 ay naghahanda para sa nalalapit nitong 25th Silver Anniversary na gaganapin sa EDSA Shangrila Hotel sa Disyembre 2016.
Bago sumapit ang Disyembre, magkakaroon ang CMI ng iba’t ibang programa kagaya ng Medical at Dental Mission (September 2016), Marinduqueno Run in Manila (November 2016), School Chairs Donation, Scholarship Program at maraming pang iba.
Dumalo sa Fellowship Night ang mga naging pangulo ng CMI kagaya nina Capt. Manny Regio (Torrijos), Mr. Robert Rejano (Sta. Cruz) at Dr. Myrna Profeta (Mogpog). Kasama ring dumalo sina Dr. Robert Montellano (Boac), Atty. Rommel Fernandez (Sta. Cruz), Mr. Nick Pelobello (Torrijos), Mr. Jojo Regio (Torrijos), Prof. Sandy Villamayor (Boac), Prof. Myra Lydia Profeta (Mogpog), Romeo Mataac (Torrijos), Mr. Eli Obligacion (Boac) at ang kasalukuyang presidente ng CMI na si Engr. Ronald Tanco (Boac).
Sorpresang namang dumating sa nasabing pagtitipon ang dating housemate at 3rd place winner ng Pinoy Big Brother (PBB Unlimited Edition 2011) na si Joseph Emil Biggel (Gasan).
Ang Club Marinduqueno, Inc. ay naghahanap ng mga bagong miyembro, ito ay bukas sa lahat ng mga Marinduqueno. Maaaring magtext o tumawag sa numerong +63925-885-9578 o kaya ay mag email sa info.marinduque@gmail.com.