Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-117 na Labanan sa Pulang Lupa ay magsasagawa ang pamahalaang bayan ng Torrijos ng isang quiz bee tungkol sa nasyonal at lokal na kasaysayan ng Pilipinas.
Ang patimpalak na ito ay bukas para sa mga mag-aaral na nasa elementarya na nasasakupan ng distrito ng Torrijos. Para naman sa mga estudyante na nasa sekondarya, bawat eskwelahan sa buong probinsya ay maaaring magpadala ng kanilang panlaban na binubuo ng dalawang mag-aaral.
Pitumpong porsyento ang nakalaan para sa kasaysayan at kasarinlan ng Pilipinas at 30% naman para sa kultura at sining.
Sa unang yugto ng patimpalak ay magkakaroon ng elimination round na binubuo ng labinlimang katanungan na katumbas ay isang puntos sa bawat tamang sagot. Ang mga magkakalaban na makakukuha ng walong puntos pataas ang siyang magpapatuloy sa final round.
Para naman sa final round, 15 katanungan pa rin ang nakalaan sa mga kasali kung saan ang bawat tanong ay may katumbas na dalawang puntos.
Ang tatanghaling kampeon sa elementarya ay tatanggap ng Php3,000, medalya at sertipiko ng pagkilala; Php2,000, medalya at sertipiko ng pagkilala naman ang tatanggapin ng magkakamit ng ikalawang pwesto at; Php1,000, medalya at sertipiko ng pagkilala ang iuuwi ng ikatatlong pwesto. Makatatanggap naman ng Php500 at sertipiko ng pagkilala bilang consolation prize ang magkakamit ng ikaapat at ikalimang pwesto.
Read also: Estudyante mula Makapuyat Nat’l HS, kampeon sa province-wide ‘History Quiz Bee’
Samantala, sa mga magwawagi sa sekondarya, Php5,000, medalya at sertipiko ng pagkilala ang pwede nilang maiuwi; Php3,000, medalya at sertipiko ng pagkilala para sa ikalawang pwesto at; Php2,000, medalya at sertipiko ng pagkilala sa magkakamit ng ikatatlong pwesto. Tatanggap naman ng Php1,000 at sertipiko ng pagkilala ang kikilalaning 4th at 5th placer bilang consolation prize.
Gaganapin ang tagisan ng talino sa Setyembre 11, 2017 sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Sa Torrijos Covered Court isasagawa ang patimpalak para sa elementarya at sa MDRRMC Conference naman ang sa sekondarya.
Maaaring makita dito ang kompletong mechanics at guidelines ng patimpalak.