Ikalawang Bahagi: Unos sa pagsampa pa lamang ng kaso sa Canada

Clearly, the immediate signing of said proposal agreement, if ever it becomes your choice, without the necessary changes in favor of the Province would be very disadvantageous to the province. – Bishop of Boac, Marcelino Antonio Maralit, Jr. to PGM

Sa gitna ng mga misteryo at namumuong unos sa usapin pa lamang ng pagsampa ng kaso ng Marinduque sa Canada laban sa Placer Dome-Barrick Gold, umaasa pa rin at nananalangin ang Obispo ng Boac, bilang tagapagtaguyod ng 87% ng mga Katoliko sa Marinduque, na kumapit ang mga kinauukulan sa lahat ng tama at mabuti, ‘all that is right and good’.

“And may the Holy Spirit strengthen and protect you from all that is evil and from that which could truly harm you!”, bigkas pa ng Bishop.

Pagbantaan baga naman ng Amerikanong abogadong ang responsibilidad dapat ay protektahan ang interes ng sambayanang Marinduqueno na anya ay Lalawigan ng Marinduque ang idedemanda nila kapag hindi sila ang hahawak sa kaso sa Canada!

Sa en Banc Committee Hearing na ginanap noong October 25 sa Sangguniang Panlalawigan na kung saan inimbitahan ng SP ang Obispo, tinalakay nito ang ilang dokumentong ibinahagi sa kanya, tulad ng:

– Dati pang pirmadong kontrata noong 2005 sa pagitan ng Governor at ni Walter J. Scott at ang ‘revision’ na ginawa rito noong 2007 Confidential Memorandum. Ang dokumentong ito ay nanatiling lihim sa mga Marinduqueno hanggang sa kasalukuyan. Ano ang laman ng misteryosong dokumentong ito? Basahin pa.

(Samakatuwid, 2007 pa lamang ay dapat tumigil na siya sa pag-asta na siya ang outside legal counsel ng Marinduque at hindi pinaniwala ang mga Marinduqueno tungkol sa bagay na taliwas sa katotohanan. Magagawa kaya ito kung walang pakikipagsabwatan ang may alam ng lihim na ito sa PGM at DM?)

– Bagong pinanukalang kontrata mula sa US legal firm, Diamond McCarthy (DM), para sa Pamahalaang Lalawigan na may titulong Restated and Amended Special Outside Appointment and Engagement (RASOAE).

– Mga Municipal Resolutions mula sa dalawang higit na naapektuhang mga bayan, Boac at Mogpog hinggil sa usapin sa DM LLP.

– Minutes at pinagsamang kinatatayuan sa huling Round Table Discussion/Environmental Forum noong Sept. 8, 2016 na dinaluhan ng ilang mga bokal.

– Kopya ng Texas Ethics Law on the matter of Discharge/Termination of Representation.

Bakit sa halip na igalang ay pagbabantaan pa ang Lalawigan na may karapatan namang i-terminate ang kontrata with or without cause?

Personal na inilahad ng Obispo na unwarranted and unethical na pagbantaan ng isang abogado ang Lalawigan na idedemanda raw niya ito sakaling wakasan ang dating kontrata. Ipinaliwanag na karapatan ng abogado at ng client na i-terminate/discharge ang kontrata. Sa dating 2005 kontrata man o sa bagong panukalang kontrata man, ay nakasaad aniya ang karapatang ito ng pag-terminate, with or without cause.

Sa naging panawagan naman na isinagawa sa Multi-Sectoral Forum ay maliwanag na nakasaad ang ganitong pagkumpirma ng isang Bokal sa pagbabanta ng abogado. Hindi naman natinag ang mga pinagsabihan:

As reaction to the sharing of BM Nepomuceno that they were informed that if the Province will get another lawyer (if not DM/Scott), it may be sued even if they do not have the authority to practice in Canada, many participants particularly the SB officials from Mogpog manifested their disgust and reiterated their past frustrations on DM specially Atty. Scott’s behavior on many occasions that threatened its clients, and offended the Marinduque community including its elected leaders, and in ways that as if he was lawyering for Barrick and not for the PGM/province.
The participants voted favorably to recommend the termination of Diamond McCarthy/Atty. Walter “Skipp” Scott’s service related to the case without prejudice to their/his being fairly compensated for past services through proper process. (Note: Not even one from participants’ present manifested support to continue their service).

$12-M initial allotment ng Funder sa DM

Sa usapin naman ng Third Party Litigation Funding ayon sa Obispo ay higit na marami ang katanungan sa kadahilanang wala namang kopya ng kontrata na dapat maunawaan ng mga kinauukulan.

Ibinahagi naman ng Bokal Allan Nepomuceno sa Multi-Stakeholders Forum ayon sa official report nito ang impormasyon na ang magiging initial allotment ng Parabellum bilang Funder ay $12-M para sa 3 taon ng paglilitis.

Pagsulpot na naman ng isang pangalan sa kontrata

Napakaraming section sa bagong inilalatag na kontrata na kwestyonable, tama lamang na dapat pagdudahan ang talagang pakay nito. Pinansin ng Obispo ang paglagay muli sa pangalan ni Walter J. Scott sa kontrata, pangalan ng isang taong marami na aniya ang mga naging duda, at kung kaninong ang tiwala ay naging mababa, ay nananatiling bahagi pa rin ng kontrata.

Samantalang sa revision na isinagawa sa 2005 pirmadong kontrata (March 20, 2007 revision – Confidential Memorandum), ang pangalan niya at napalitan na ng pangalan ng mismong legal firm, Diaamond McCarthy. Ano na naman, anang Obispo, ang ibig sabihin ng ganito?

Magkano baga talaga ang palagay?

Mas masalimuot ang mga naging katanungan sa usapin nang kung magkano talaga ang mapupunta sa Lalawigan, sapagkat ang sinasabing 50% ng Net-Litigation Proceeds na makukuha ng Lalawigan ay matapos pa lamang mabayaran na ang lahat ng dapat bayaran, at kinakitaanan na kaagad ito ng maraming butas. Ito marahil ang binabanggit ng isang nakabasa ng kontrata na “it is really worse than the 2005 contract”.

Nagtanong din ang Obispo kung nabasa man lamang baga ng mga kinauukulaan ang ibat-ibang Municipal Resolutions at Civil Society Group statements hinggil sa kanilang paniniwala at posisyon sa representasyon ng nasabing US law firm.

Maliwanag, anang Obispo, na ang agarang pagpipirma sa nasabing panukalang kontrata, sakaling ito ang inyong piliin, na salat sa kinakailangang mga pagbabago na pabor sa Lalawigan, ay magiging napakalaking kasahulan/pangdedehado sa Lalawigan.

So, ano pa po ang mga usapin tungkol dito na pilit diumanong nililihim na dapat ibahagi sa taumbayan dahil buhay at pamumuhay nila ang nakasalalay dito?

Sundan…

Note: This insight do not necessarily reflect the opinion of Marinduque News Online, rather of the author himself.
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!