Libreng bakuna sa mga aso, isasagawa ng Marinduque Prov Vet Office

Ang Marinduque Provincial Veterinary Office (MPVO), isa sa mga performing agency sa lalawigan ay magsasagawa ng pagbabakuna (mass vaccination) at pagtatala (compulsory registration) sa mga bagong panganak na aso na may gulang tatlong buwan pataas. Gayundin, mabibigyan ng bakuna ang mga bagong lipat na aso o iyong tinatawag na newly moved-in dogs.

Layunin ng MPVO na makatugon at maisakatuparan ang ipinangako nito sa MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Initiative 2016 na maging Rabies Free ang buong MIMAROPA sa taong 2020.

Kasabay ng proyekto ay ang pagsasagawa ng survey sa lahat ng mga may-ari ng aso sa buong probinsya upang matiyak at mapanatili ang Rabies Free Status ng lalawigan.

Narito ang listahan ng mga barangay at petsa kung saan at kailan isasagawa ang programa.

Marinduque Provincial Veterinary Office Rabies Free 2020 Dr Josue M Victoria

Ang proyektong ito ay pangungunahan ni Dr. Josue M. Victoria, Provincial Veterinarian ng Marinduque.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring magtungo sa kanilang tanggapan sa Boac, tumawag sa telepono bilang (042) 332-0504 o bumisita sa kanilang website, www.marinduquevet.ph.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!