TORRIJOS, Marinduque – Isang 78 taong gulang na lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Torrijos.
Ayon COVID-19 bulletin na inilabas ng Torrijos Municipal Rural Health Unit, isinagawa ang RT-PCR test sa pasyente noong Setyembre 7 at natanggap ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ang resulta ngayong araw.
Ang naturang pasyente ay hindi nagbiyahe sa labas ng probinsiya at hindi nakasalamuha sa sinumang kumpirmadong kaso ng COVID-19, ngunit may nakasalamuhang mga indibidwal na nanggaling sa Metro Manila. Nagkaroon siya ng sintomas (lagnat) noong Setyembre 6. Kasalukuyang naka-admit ang pasyente sa isang ospital sa Lucena City dahil na rin sa iba pa niyang karamdaman.
Ang Municipal Epidemiology and Surveillance Unit ay patuloy na nagsasagawa ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng pasyente. Lahat ng mga close contacts ay sasailalim sa testing at quarantine ayon sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan.
Ang pamahalaang bayan ng Torrijos at pamahalaang barangay ay magpapatupad ng ilang mga panuntunang pangkaligtasan sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, mayroon ng kabuuang 19 na kaso ng COVID-19 sa buong Marinduque at walo rito ay naitala sa bayan ng Torrijos. – Marinduquenews.com