By Adeline Angeles, Former Marinduque Board Member
Halos anim na buwan na pong walang maayos na supply ng tubig sa bayan ng Mogpog, Marinduque. Simula pa noong Nobyembre 2016. Kung saan-saan na lang kumukuha ng tubig ang mga mamamayan lalo na sa Poblacion. Marami ang gumagastos ng P100-P200 kada araw para magpa-igib sa ibang lugar. Ang iba ay dumadayo pa sa bayan ng Boac.
“Malapit na daw pong maayos”, ito ang laging sagot kapag may nagtatanong. Subalit dumaan ang Pasko, Bagong Taon, Valentines at ngayon ay mag-se-Semana Santa na pero naghihintay, nagsasakripisyo at dagdag-gastos pa rin sa mga tao.
Pinipilit nating unawain ang sitwasyon subalit makakabawas sana ng hirap ng tao kung may maayos na pagbibigay ng impormasyon man lang or update para magabayan ang mga tao.
Information on the following is important:
1. Ano ba talaga ang sitwasyon o problemang dapat ayusin? Water source ba? Makinang sira? Walang budget?
2. Paano ito inaasikaso at gaano talaga tatagal ang pagsasa-ayos na ginagawa para maging handa ang mga tao at makapagplano din ng kanilang gagawin?
3. Anong mga emergency measures ang ini-implement to mitigate the impact? Note: Minsan may fire truck na nagde-deliver ng tubig pero wala namang announcement ng schedule at basta sumusulpot kaya di pa rin na-u-utilize ng maayos.
Ang binabanggit ko dito ay naiparating ko na rin naman sa ilang nanunungkulan sa municipal goverment ng Mogpog but I don’t understand why at least an efficient and effective information dissemination is still wanting. So, I’m opting to post it now because time is of the essence. It will be Holy Week in a few days and people must be properly informed and guided.
I was warned though that some municipal officials are being offended kapag nagpo-post sa Facebook tungkol sa kawalan ng tubig sa Mogpog at allegedly ay may kumakausap hindi para humingi ng paumanhin o pang-unawa kundi doing it in a manner na parang sinisingga pa ang nag-post. I hope this is not true because that is a very immature way of addressing valid public sentiment. Hindi na nga nabibigay ang very basic service, hindi naman pwedeng pati karapatang magpahayag ng saloobin tungkol sa isang valid issue at concern ay hindi pa rin natin igagalang. Tthat is worst. That is not public accountability.
Sa mga kapatid natin sa municipal government of Mogpog, sana po, we could implement asap:
1. An effective and efficient information dissemination on this concern para magabayan ang mga mamamayan.
2. An effective emergency or contingency measures at least during this Lent or Holy Week para ma-mitigate naman ang impact at sakripisyo. There are still five days to go. A more effective contingency arrangement can still be done.
Meaningful Lent to all!