SANTA CRUZ, Marinduque – Isa ang seaman na si Rodel Oblipias, 29 taong gulang, tubong Lapu-lapu, Santa Cruz, Marinduque sa labing-apat na tripulanteng Pinoy na una ng napaulat na nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang South Korean cargo ship sa Atlantic Ocean.
Ikinasa na ang search and rescue mission ng Uruguayan Navy at Brazil authorities upang mailigtas ang 14 Pinoy.
Ayon sa Uruguay Navy, dalawa ang nasagip matapos ang umano’y paglubog ng barkong Stella Daisy, isang malaking Marshall Islands flagged carrier na may kapasidad na magkarga ng may 260,000 tonelada.
Ayon sa opisyal na si Gaston Jaunsolo, tagapagsalita ng Uruguay Navy, apat na barko na ipinadala sa lugar ang nakarekober ng tatlong rafts at nasagip ang dalawang Pinoy crew noong Sabado.
Nabatid na nagpadala ng distressed call ang kapitan ng barko na may sakay na 16 tripulanteng Pilipino at walong Koreano noong Biyernes ng tanghali, Marso 31 dahil sa papalubog na sila, may 2,000 nautical miles o 3,700 kilometro ang layo sa Uruguay coast.
Matapos na matanggap ang emergency call, agad na nagpadala ng apat na merchant ships sa lugar sanhi ng pagkakaligtas ng dalawang Pinoy crew.
Naabutan na lamang ng unang dumating na rescue ship sa lugar ang malakas na amoy ng langis at mga debris ng nasirang barko na senyales na lumubog ito.
Bukod sa pagtutulungan ng Uruguayan Maritime Police at isang commercial vessel, nagpadala rin ang Brazil ng kanilang aircraft sa nasabing lugar upang tumulong sa search and rescue mission sa mga nawawalang tripulante.
Ang barko ay nagmula sa pantalan ng Brazil at inaalam pa kung saan ang point of destination nito nang mangyari ang trahedya sa Atlantic Ocean.
Nabatid na inooperate ng South Korean company ang naturang barko pero ito ay isang Marshall Islands flagged.