Mga empleyado sa Marinduque inatasang magsuot ng caftan, samaritana costume

BOAC, Marinduque — Base sa Memorandum Order No. 2024-034 na nilagdaan ni Gov. Presbitero Velasco, Jr. ngayong Biyernes, Marso 15, inaatasan ang lahat ng mga kawani ng lokal at nasyunal na pamahalaan, pribadong sektor, NGO at opisyal ng barangay na magsuot ng caftan, samaritana o Moriones costume sa tuwing papasok sa opisina simula Marso 25 hanggang Marso 31.

Ito ay bilang paggunita sa panahon ng Kuwaresma at pakikiisa sa isa sa tampok at ipinagmamalaking tradisyon sa lalawigan ng Marinduque, ang Moriones Lenten Rites.

Narito ang kopya ng naturang memorandum order.

Wear-Caftan-Samaritana-Moriones-Costume-Memorandum-2024
error: Content is protected !!