BOAC, Marinduque – Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Sining, nagsagawa ang lokal na Pamahalaang Bayan ng Boac ng kompetisyong tinatawag na ‘Sabay-sabay na Pagpinta ng Maskarang Moryon’ sa Boac Covered Court.
Ang nasabing paligsahan ay naging bukas sa lahat ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo na nabibilang sa distrito ng Boac.
Ang mga maskarang yari sa pinagpatung-patong na papel ay inilaan ng LGU Boac samantalang ang mga estudyante naman ang nagdala ng kanilang sariling kagamitan gaya ng paint brush, tubig, latex paints at diaryo.
Ang mga sumusunod na pangalan ang itinanghal na nagwagi sa nasabing kompetisyon. Sa Elementary Level, Champion si Krizel Silla ng Cawit Elementary School, 1st runner-up si Rodmark Ogayre ng Maybo Elementary School at 2nd runner-up naman si Ronnel Lubrin ng Boac South Elementary School.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Sa Secondary Level, Champion si Julianne Mogol III ng Marinduque State College (MSC)-Laboratory High School (Lab HS), 1st runner-up si Darea Anne Jawili ng MSC- Lab HS at 2nd runner-up naman si Timothy Milambiling ng Marinduque National HS.
Samantala, sa Tertiary Level, Champion si Edward Malabayabas ng MSC, 1st runner-up si Jomari Leal at 2nd runner-up naman si John Marlowie Miranda na parehong nagmula sa MSC.
Naging batayan ng mga hurado sa pagbibigay ng grado ay orihinalidad na may 50%, pagkamalikhain na binubuo ng 30% at biswal na epekto na 20% na may kabuuang 100%.
Ang mga maskarang ginawa ng mga mag-aaral ay magsisilbing dekorasyon sa Boac Covered Court hanggang sa sumapit ang Mahal na Araw upang maging atraksyon sa mga panauhin at turista ng bayan ng Boac. –Marinduquenews.com