|
National Disability Prevention and Rehabilitation |
BOAC, Marinduque – Isinagawa kaninang umaga ang culminating activity o pagtatapos ng pagdiriwang ng 36th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week ng Department of Health (DOH) sa PDRRMC Training and Convention Center, Boac.
Ang DOH MIMAROPA Office Team sa pamumuno ni Executive Assistant Rhodora Tayag, kinatawan ni DOH Regional Dir. Eduardo C. Janairo ay dumating upang isagawa ang programang ito sa tulong ng provincial government of Marinduque sa pamumuno ni Gov. Carmencita O. Reyes at ni Congresswoman Regina O. Reyes. Sa mga salitang binitiwan ni Tayag, hindi magkakaroon ng katuparan ang proyektong ito kung hindi sa tuong ng Punong Lalawigan at ng Kinatawan sa Kongreso ng Marinduque, Ate Gina.
Ipinahayag din ni Tayag ang mga nais maiparating at maipaalam ni Dir Janairo na: ang programang pangkalusugan para sa Persons with Disabilities (PWDs) o mga taong may kapansanan ay isa ng prioridad sa rehiyon upang masiguradong mabibigyan sila ng pantay na opportunidad o equal access sa programang pangkalusugan lalo’t higit ngayon, Agosto 1 kung kalian ipinagdiriwang ang 36th National Disability Prevention and Rehabilitation Week dito sa lalawigan ng Marinduque at maging ibang lalawigan sa MIMAROPA (Mindoro Orriental, Occidental, Romblon and Palawan), ganito din ang ipaliliwanag at ipagkakaloob sa mga PWDs ng DOH.
Nagkaroon ng pagpapatala ang mga PWDs ngayong araw. Tinimbang ang mga may kapansanan, nagkaroon ng blood typing, kinunan ng blood pressure at nagkaroon ng initial consultation ang mga nakapagpatala na.
Ayon sa programa ng DOH, matapos ang mga paunang evaluation and diagnosis, magpapadala ng mga medical professionals at espesiyalista upang mas matukoy pa ang sakit o pangangailang ng mga PWDs at mabigyan ng tamang lunas o intervention para sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Dagdag pa ni Tayag, ipinahahatid din ni Janairo na magsasanay din ang DOH ng mga health workers sa Basic Sign Language upang mas maging maayos ang pakikipagusap nila sa mga may kapansanan sa pandinig.
Ang talaan ng mga PWDs sa barangay at sa lalawigan ay napakahalaga sa pagbibigay ng mga lubhang kailangang mga “health provisions” at benepisyong maaring maipagkaloob sa pamamagitan ng Magna Carta for Persons with Disabilities o Republic Act No. 7277, na siyang nagbibigay ng medical benefits at iba pang mga diskwentro at prebileho sa isang rehistradong PWD at ang Republic Act No. 10070 na nagsisigurong maipatutupad ang mga programa at serbisyo para sa mga PWD sa bawat lalawigan, siydad o munisipalidad.
Ang programa ng pagpapatala o registration ng PWDs ay sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development’s National Household Targeting System (NHTS) and Persons with Disability Affairs Office (PDAO), at unang isinagawa dito sa lalawigan ng Marinduque sa pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Marinduque.
Ayon kay Dir. Janaire sa kanyang ipinarating na mensahe, ang Marinduque ay isa sa mga lalawigan sa MIMAROPA na may mataas na bilang ng PWDs.
Napagalaman na sa talaan ng Philippine Statistics Authority sa 2010 Census of Population and Housing, may 4,900 katao o 2.1 percent mula sa 227, 585 household population ang may kapansanan. Ang proporsiyon ng taong may kapansanan (PWDs) noong 2000 ay 2.4 percent mula sa 217,244 household population ng lalawidan ng taong nabanggit. Ang kabuuang bilang ng PWDs sa taon ding nabanggit ay more or less 5,100.
May 400 na PWDs na ang nakapagpatala kaninang umaga at patuloy pa ang pagpapalista hanggang ngayong hapon.
Nagkaloob din ng mobility and financial assistance si Gov. Reyes at Congw. Reyes sa ilang PWDs. Ayon kay Congw. Reyes ang ibang mobility assistance kagay ng wheelchairs at crutches ay naipamahagi na sa ibang munisipyo at ang iba ay ipamamahagi pa.
Naglagay din ng iba’t-ibang booths dito para sa mga ahensiyang maaaring makatulong sa mga PWDs kagaya ng Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Department of Labor and Employment, Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development. May mga representante din ang Bureau of Internal Revenue at Regional Trial Court. -Source and Courtesy from Philippine Information Agency-Marinduque (MNL/PIA-4B/ Marinduque)