Mga Pasahero sa Balanacan Port, Dagsa na

Pila ng mga pasahero patungong Balanacan Port
Photo courtesy: Ann Margarita Aventino Muhi | Mar 27, 2016

Nagsimula ng dumagsa ang mga pasahero sa Balanacan Port simula pa kahapon, Marso 26 kaya naman inaasahang tatagal ng ilang oras ang biyahe mula sa regular nitong oras dahil sa haba ng pila at dami ng mga pasahero. Ayon sa ulat, umabot na ang pila ng mga sasakyan mula Brgy. Kapayang hanggang Balanacan.

Pinapaalalahanan naman ang mga may sasakyan na kailangan munang pumila sa Brgy. Ino upang mabigyan ng queuing number. Muling pipila bago pumasok sa kabayanan ng Brgy. Balanacan upang hintayin ang pahintulot na makapasok sa Balanacan Port hanggang sa tuluyang makasakay sa RoRo.

Pila ng mga sasakyan patungong Balanacan Port
Photo courtesy: Daryl Valencia | Mar 27, 2016

Samantala, hindi pa naman karamihan ang mga pasahero sa Cawit Port sa mga oras ito. Inaasahan din ang pagdami nito sa mga susunod na oras.

Pila ng mga pasahero sa Cawit Port
Photo courtesy: Binatang Lakwatsero

Hanay ng mga sasakyan sa Cawit Port
Photo courtesy: Binatang Lakwatesro

Nagpahiwatig naman ng mga mensahe ang mga pasahero sa social media hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng mga nasabing pantalan.


“This strategy (queuing number from Brgy. Ino to Balanacan pier) has been adopted since 2013 or 2014. Numbers were given to vehicles and a temporary waiting area was designated at Brgy. Ino. It was proven to have provided a more systematic approach to address what we have been experiencing for many years. Like any other approach, it would continue to modify itself and adapt new measures to further strengthen security and safety,as well as an organized transpo management. We hope that Marinduqueños and tourists would all cooperate during times when our province is in need of support. Success of any endeavor depends on both the provider and user. Have a safe trip everyone!” – Maria GC.

Current situation going to Dalahican Lucena Port. Napaka habang pila! Good luck nalang sa amin. Makakasakay din kaming mamayang hapon.
Posted by Poy Labestre Serafica on Saturday, March 26, 2016

Happy Easter Sunday!After days of fun, eto na yun, pila wagas hahahaha
Posted by Aj R. Paulo on Saturday, March 26, 2016

Organized and well maintained port. 🙂
Posted by Richard Ace De Leon on Saturday, March 26, 2016

An improved and organized port with passengers waiting for the RoRo after celebrating the Moriones and Holy Week in Marinduque.#Moriones2016#TeamMarindique#CawitPort#TravelPh2016#BinatangLakwatsero
Posted by Binatang Lakwatsero on Saturday, March 26, 2016

Article by: Romeo Mataac Jr, Marinduque News Portal

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!