Mga Tumakbong Kandidato, Nagpasalamat

Mga tumakbong kandidato sa lalawigan ng Marinduque

Nagpasalamat una sa Panginoon, pangalawa sa mga taga suporta at mga kababayang Marinduqueno ang mga tumakbong kandidato noong Mayo 9, 2016 sa lokal na posisyon sa lalawigan ng Marinduque.

Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe ng pasasalamat:
“Maraming, maraming salamat po Panginoon, buong puso po akong nagpupugay sa inyo. Mark 11:22-25 – Jesus answered them, “have faith in God, I assure you that whoever tells this hill to get up and throw itself in the sea and does not doubt in his heart, but believes that what He says will happen, it will be done for Him. For this reason, I tell you when you pray and ask for something, believe that you have received it, and you will be given whatever you ask for. And when you stand and pray, forgive anything you may have against anyone, so that your Father in heaven will forgive the wrongs you have done.” Lord Allan Q. Velasco (tumakbo sa pagka-congressman)
 
“Isang malaking karangalan at pagkakataon na paglingkuran ang kapwa ko Marinduqueño. Labis akong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala sa akin at sa aking kakayanan. Gayundin, nagpapasalamat ako sa mga tumulong upang maisakatuparan ko ang isang magandang misyon para sa ating lalawigan. Hangad ko ang kaunlaran ng Marinduque sa darating na panahon. Muli, maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta sa akin. 2 Timothy 4:7 – I have fought the good fight to the end, I have run the race to the finish, I have kept the faith. Ipinauubaya ko na sa malawak na karunungan at banal na kagustuhan ng Panginoong Maykapal ang kinabukasan ng Marinduque!” –Regina O. Reyes (tumakbo sa pagka-congressman)
 
“Mga minamahal kong mga anak, maraming maraming salamat sa pagmamahal na inyong ipinakita sa akin. Sa tiwala na inatas ninyo sa akin. Paglilingkuran ko kayo sa abot ng aking makakaya. Hinding hindi ko makakalimutan kailanman ang pagmamahal at tiwalang ipinakita ninyo sa akin ngayon. Magkakapit bigis tayo, magtutulungan tayo! Sama sama tayong magtitindig ng isang lalawigang maipagmamalaki! Isang lalawigan na lalagakan ng mga banal at dakilang mithiin na siyang magiging buhay na pamana sa ating mga anak at sa mga susunod na salinlahi. Magandang araw sa inyong lahat at maraming salamat!” –Carmencita O. Reyes (tumakbo sa pagka-gobernador)
 
“I always say, sa bawat laban, mahalaga hindi lamang kung ano ang ating narating kundi kung paano rin natin ito narating. Maraming salamat po sa lahat ng nangarap ng isang Bagong Mogpog, tumulong at sumuporta sa iba’t-ibang paraan, ito po ay hindi ko makakalimutan. Hindi po naging matagumpay ang aking laban para mayor ng ating bayan. Hindi pa po handa ang ating mga kababayan sa isang tulad natin at sa alternatibong pulitikang isinusulong natin. But I still believed that the fight we fought for was not put in vain. We just have to do more, do better and multiply for the cause we are fighting for.
 
Kahit wala sa gobyerno, hindi po ako hihinto sa pagtulong sa ating mga kababayan sa ano mang paraang kaya ko.
 
Ang halalan pong ito ay nagpatunay kung gaano kalala ang problema ng ating bayan, the situation is indeed challenging but definitely not hopeless. My faith still remains. I will do my share wherever I am and may He be glorified always. God bless everyone!” –Adeline Lyn Angeles (tumakbo sa pagka-mayor ng Mogpog)
 
“Isang walang hanggang salamat po! Apatnapu’t limang araw at higit pa, sa kalsada, kabundukan, ulan at ilalim ng init ng araw, pagod at puyat. Marami kong nakasalamuha na iba’t-ibang klase ng tao, mga botante. Maraming mga pangyayari at karanasan. Ang iba’y di makakalimutan. Higit sa lahat, marami akong natutunan.

Nais kong pasalamatan ang ating Poong Maykapal, sa pagbibigay N’ya ng gabay at lakas upang malampasan ko ang pagsubok na ito. Isang ligtas na kampanya.
Sa mga minamahal kong kapamilya, tatay, nanay, mga kapatid at mga pinsan na nandiyan laang sa tabi ko.

Sa tiyuhin ko, maraming salamat sa pagpapahiram ng traysikel mo. Narating ko ang ilang magagandang lugar at iba’t-ibang klase ng mga tao ng Marinduque. Sa mga Kuyang ko na sumuporta, nagbigay ng mga campaign materials, lalu na sa napakagandang political campaign jingle. Ang galing galing galing galing nyo! Sa mga kaibigan ko dito sa facebook na nag-ingay at sumuporta. Sa nagpadala ng mga stickers. Mga co-admins at mga members sa iba’t-ibang grupo. Sa ilang mga kaklase at kaibigan ko. Sa mga bulong ninyo. Sa mga sumama ng personal at naglaan ng kaunting oras sa aking kampanya. Pasensya na kayo, pinagod ko kayo. Sa Gilinggiting, di nyo ako iniwan hanggang huli. Sa mga bago kong kaibigan lalu na dun sa isa na sinamahan ako kahit saan at kahit anung oras. Dilim at liwanag! Ulan at araw! Astig ka! Sa mga nag-endorso sa kin. Sa tiwala ninyo. Higit sa lahat, sa mga naniwala, tumangkilik at bumoto sa akin. Hindi man kinaya, nandyan kayo. Muli, isang walang hanggang salamat po sa inyong lahat! At isang pagbati sa mga pinalad. Mabuhay po kitang lahat! Tagay para sa maunlad na Marinduque! Ang inyong ‪#‎BOKALista‬” – Boyet Salazar Villamin (tumakbo sa pagka-bokal ng unang distrito)
Moderator’s Note:
Bumabati ang Marinduque News Portal, sa lahat ng mga nanalong kandidato sa lokal na posisyon sa ating lalawigan, mula kongreso hanggang sa sanguniang pambayan. Nawa ay inyong tuparin ang magandang layunin na inyong ipinangako sa taumbayan. Nawa ay huwag ninyong sayangin ang pagkakataon na kayo ay aming pinagkatiwalaan. Lubos ang pagtitiwala namin sa inyo, kaya naman, hangad namin ang isang maunlad na Marinduque.
 
Sa lahat ng mga kababayang hindi pinalad sa eleksyong ito, nawa ay patuloy pa rin naming makita ang inyong malasakit sa lalawigan. Ang inyong suporta sa kasalukuyang pamunuan ay lubhang kailangan upang ang bawat hangarin ay tuluyang maisakatuparan.
 
Kalimutan na natin ang sakit at hidwaang dala ng nakalipas na halalan. Kalimutan na rin natin ang mga dinala nating kulay, pula, puti, asul, dilaw o anupaman. Bagkus ang kulay ng pagpapatawad at pagkakaisa ang ating isulong, sapagkat sa huli, tayong lahat ay Marinduqueno, tayong lahat ay Pilipino!
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!