Pag-uwi ng mga LSI, ROF sa Marinduque, suspendido

BOAC, Marinduque – Pansamantala munang suspendido ang pagpapauwi ng mga locally stranded individual (LSI) at returning overseas Filipino (ROF) sa Marinduque.

Ito ang nakasaad sa kalatas panlalawigan na inilabas ni Gov. Presbitero Velasco, Jr., kamakailan.

Ayon kay Velasco, hiniling ng pamahalaang panlalawigan sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang pansamantalang pagpapatigil sa pagpasok ng mga LSI at ROF sa lalawigan kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Epektibo ang nasabing direktiba simula Oktubre 12 at tatagal hanggang Oktubre 26.

Samantala, inatasan naman ng gobernador ang mga alkalde at ang mga opisyales ng Philippine Ports Authority (PPA) na paigtingin ang pagpapatupad ng nabanggit na kautusan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Matatandaan, ilan sa mga umuwing LSI at ROF ay nagpositibo sa COVID-19 matapos isailalim sa RT-PCR test.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 76 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Marinduque habang 30 rito ang aktibo. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!