Pag-uwi ng mga LSI sa Marinduque, suspendido muna

BOAC, Marinduque — Pansamantalang suspendido ang pagpasok ng mga locally stranded individual (LSI) sa Marinduque simula Disyembre 18, 2020 hanggang Enero 2, 2021.

Ito ay matapos aprubahan ng Mimaropa Regional Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (RIATF-EID) at Regional Task Force Against COVID-19 ang kahilingan ng pamahalaang panlalawigan sa hindi muna pagpapapasok sa probinsya ng mga LSI ngayong ‘holiday season’.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Jr., ibinatay ang naging desisyon sa ulat ng Provincial Health Office (PHO) kungsaan ay naitala ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Dagdag pa ni Velasco, nakabase rin ito sa mungkahi at napagkasunduan sa pagpupulong ng mga municipal mayor at Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF).

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 163 ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa Marinduque habang apat dito ay aktibo.Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!