Paggamit ng social media, paksa ng talakayan sa MNHS

BOAC, Marinduque – Pinangunahan ng Rotaract Club of Lucena South (RACLS)-3820 ang kanilang proyekto na may kinalaman sa pagtuturo ng wastong paggamit ng social media sa mga mag-aaral mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo.

Ang proyektong isinagawa ng RACLS ay pinamagatang #EdukAksyon: A Lecture on Proper Use of Social Media and Gift-Giving of Studio Equipment.

Naging katuwang ng RACLS ang Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque sa talakayang isinagawa.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Ang diskusyon sa mga estudyante na kabilang sa eskwelang pampahayagan ng Marinduque National High School (MNHS) at Special Program for the Arts ay sumentro sa responsableng pamamahagi ng impormasyon upang maiwasan ang pagpapakalat ng “fake news”.

Upang mas maging responsible ang mga estudyante sa tamang pagpapakalat ng impormasyon, pinayuhan ng PIA-Marinduque ang mga mag-aaral na huwag kalimutang alamin ang source, tingnan kung kailan isinulat ang balita, basahin ang buong nilalaman ng artikulo at sumangguni sa mga kinauukulan kung may katanungan.

Nakiisa rin sa talakayang ito ang mga mag-aaral at guro ng Don Luis Hidalgo Memorial School at Marinduque State College. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!