Pagpromote ng produktong Marinduqueno, idinaan sa ‘Tiktok Challenge’

BOAC, Marinduque — Isang Tiktok Challenge ang inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque para sa mga indibidwal na mahilig sa social media.

Ayon sa DTI, layunin ng gawain na sa pamamagitan ng ganitong patimpalak ay maipakilala ang mga produktong patok sa probinsya.

Ang video ay kailangang nagpapakita ng isa o higit pang produktong lokal, gayundin kung bakit ito natatangi at naiiba.

Ito ay bukas sa lahat ng residente ng Marinduque, mapalalaki man o babae, labing-limang taon pataas at maaaring grupo o indibidwal.

BASAHIN: Ika-26 taon ng police community relations ipinagdiwang sa Gasan, tree planting isinagawa

Manggagaling ang 50 porsiyento ng boto sa online at ang natitirang 50 porsiyento naman ay sa piling mga tagapaghatol. Ang mananalo ay makatatanggap ng P5,000 habang ang ikalawang puwesto ay makatatanggap ng P1,000 samantalang ang ikatlong puwesto ay mabibigyan ng P500.

Ang mga entry ay maaaring ipadala ng personal sa opisina ng DTI sa Marinduque na matatagpuan sa Barangay Isok 1, Boac.

Maaari ring magpadala ng entry gamit ang email address na r04b.marinduque@dti.gov.ph o i-send sa Facebook page ng Tindahang Marinduqueno. Kinakailangan maisumite ang video hanggang Hulyo 22 ganap na alas-12:00 ng gabi. — Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!