Akda ni Eli J. Obligacion, Marinduque Rising
Ano baga ang ibig sabihin ng mga geologist kapag sinabi nila na ang isang bulkan ay aktibo (active) o parang tulog (dormant)? Ano ang pagkakaiba dahil wala namang sino mang nakatitiyak kung ang isang bulkan ay tapos na ang pagngangalit sa kanyang buhay o kung puputok na naman at kailan.
Ang aktibong bulkan ay itong sa kasalukuya’y nasa regular na estado ng pagputok. Sa Pilipinas, ilan lamang dito ay ang Bulusan, Kanlaon, Taal, at Mayon. Inaaasahan na may malaking pagputok ang magaganap sa mga ito sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ayon sa Volcano Discovery mga 40 bulkan ang sabay-sabay na pumuputok ngayon, pinakamataas na sa nakasulat na kasaysayan ng mundo.
Sa kabilang dako, ang parang tulog na bulkan naman ay ganun na nga, ‘parang tulog’. Pero may kapasidad itong pumutok muli sa hinaharap at natulog lamang ng matagal na panahon, daan o libong taon man.
Ang buhay ng bulkan naman ay tumatagal ng libo-libong taon, o milyong taon pa pero pumuputok paminsan-minsan. Maraming mga bulkan sa ibat-ibang panig ng mundo ang pumutok na sa mga nakaraang libong taon, pero sa nakatalang kasaysayan ay nanatiling tahimik ang mga ito. Kaya’t sa loob ng maraming taon, ay nanirahan na sa mga paanan nito ang malalaking populasyon.
Nangangahulugan na ang sinasabing parang tulog o dormant na mga bulkan ay bahagi pa rin ng klasipikasyon bilang aktibong bulkan. Ang diperensya lamang ay hindi ito pumuputok sa kasalukuyan.
Ayon sa USGS ang dormant volcano raw ay alinmang bulkan na hindi nagpapakita ng senyales ng ligalig o unrest, pero maaari itong maging aktibong muli, anya.
Hot spring systems (mas umiinit na ba?)
Maraming mga bulkan naman ang may mga aktibong hydrothermal systems kung saan dumadaloy mula sa ibabaw papunta sa ilalim ang mga ilog na kung saan umiinit naman ito dahil sa mga lumalamig na magma. Kahit pa pala ang bulkan ay may hot springs, o mudpots, o geysers, ang tawag pala rito ay hydrothermal features, at hindi volcanic.
Napakahabang panahon pala ang kailangang lumipas muna para lumamig ang magma na nasa crust ng mundo dahil una, napakainit ng magma kapag ito’y dumadaloy, mahigit sa 700 degrees C at, ikalawa, ang bato (rock) ay mahusay na insulador. Maaaring abutin pala ng milyong taon bago lumamig at tuluyang tumigas ang malaking magma sa ilalim ng lupa at para maging kasing lamig ng temperatura ng mga batong nasa paligid nito.
Ayon naman sa Phivolcs ang mga sumusunod ang senyales ng namumuong pagputok ng bulkan. Mas maiging alamin natin.
Precursors of an Impending Volcanic Eruption
The following are commonly observed signs that a volcano is about to erupt. These precursors may vary from volcano to volcano.
1. Increase in the frequency of volcanic quakes with rumbling sounds; occurrence of volcanic tremors
2. Increased steaming activity; change in color of steam emission from white to gray due to entrained ash
3. Crater glow due to presence of magma at or near the crater
4. Ground swells (or inflation), ground tilt and ground fissuring due to magma intrusion
5. Localized landslides, rockfalls and landslides from the summit area not attributable to heavy rains
6. Noticeable increase in the extent of drying up of vegetation around the volcano’s upper slopes
7. Increase in the temperature of hot springs, wells (e.g. Bulusan and Canlaon) and crater lake (e.g. Taal) near the volcano
8. Noticeable variation in the chemical content of springs, crater lakes within the vicinity of the volcano
9. Drying up of springs/wells around the volcano
10. Development of new thermal areas and/or reactivation of old ones; appearance of solfataras. (Solfatara, ( Italian: “sulfur place”) a natural volcanic steam vent in which sulfur gases are the dominant constituent along with hot water vapor)