Pawikan, nailigtas sa Bahi, Gasan

GASAN, Marinduque – Nailigtas ng mga residente ng Purok Dos, Barangay Bahi, Gasan ang isang babaeng pawikan na napadpad sa kanilang lugar nitong Linggo, Mayo 19.

Agad na ipinaalam ang pangyayari sa Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWRET) sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).

Ayon kay Dr. Josue Victoria – Marinduque provincial veterinarian, “The incident was reported to the PENRO who informed the Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team for medical intervention.”

Lunes ng umaga ng pinakawalan ng mga tauhan ng MAWRET ang pawikan sa dagat matapos masiguradong maayos ang kalusugan nito.

Ang green sea turtle (chelonia mydas) ay may timbang na 8.7 kilo at habang 19 na pulgada. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!