Prov’l Veterinary Office, pinaigting ang Rabies Awareness Campaign sa bayan ng Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Sa patuloy na pagpapaigting ng Provincial Veterinary Office (PVet) ng Rabies Awareness Campaign, namahagi ang mga beterinaryo ng lalawigan ng Marinduque ng mga campaign materials ukol sa Anti-Rabies Act (RA 9482) and Its Implementing Rules and Regulations (IRR) Book sa lahat ng kapitan ng barangay sa bayan ng Torrijos.

Hangad ng RA 9482 na ipaalala sa mga pet owners kung ano ang kanilang mga responsibilidad sa pagkupkop sa kanilang mga hayop na inaalagaan.

Binigyang diin din ng PVet Office sa pangunguna ni Dr. JM Victoria sa mga kapitan na mayroon silang kapangyarihan na maisakatuparan ang kampanyang ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng biktima ng rabies mula sa kagat ng aso o anumang klase ng hayop.

Ipinaalala rin niya sa mga kapitan ng nasabing bayan na maaari nilang pagtibayin ang RA 9482 at RA 8485 o mas kilala sa tawag na “The Animal’s Welfare Act” kung wala silang barangay ordinances sa kanilang lugar na isinasagawa.

Samantala, pinaalalahanan ni Dr. Victoria ang mga kapitan ng barangay Cagpo, Dampulan at Cabuyao na bukas ang kanilang opisina sa kanila kung sakaling nais nilang makiisa sa programa.

Sa kabilang dako naman, dahil sa patuloy na pakikipagkaisa ng Barangay Buangan ay binigyang puri sila ng PVet dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagkontrol ng stray dogs o gumagalang aso sa kanilang nasasakupan. – ADSD/Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!