Nanawagan si Raine Guevarra na matulungan siyang maiuwi sa Marinduque si Lola Julieta Morales, 77 taon gulang.
Ayon kay Guevarra, naghahanap siya ng makakainan sa isang mall sa Daang Hari, Imus, Cavite ng makita n’yang nagpapalakad-lakad si Lola Julieta habang hawak-hawak ang tiyan nito at namamalimos ng barya.
Narito ang kanyang ibinahaging post sa Facebook.
“Hello po. Magandang hapon mga Ka Facebook. Gusto ko po sanang matulungan ang lola na ito na makauwi sa kanyang pamilya ngunit sa ngayon ay hindi pa sapat ang aking kakayahan para matulungan ko s’yang tuparin ang kanyang munting hiling. Gusto ko lamang pong maging ‘daan’ upang maipaabot kay nanay ang tulong na kanyang minimithi.
Siya po si Nanay Julieta Morales, 77 years old, tubong Marinduque umano siya.
Kahapon habang nasa biyahe nagutom ako, dumaan po ako sa #EviaMallDaangHari. After kong umorder, habang naghahanap ako ng mesang mauupuan nakita ko si nanay na naglalakad sa labas ng Mcdo, nakatingin s’ya sa akin at nanghihingi ng palimos. Then lumabas ako para lapitan s’ya at tinanong kung gusto ba n’yang kumain. Naantig ang puso ko sa sagot n’yang ‘Kung meron pong makakain, Ma’am, gusto ko po sana’. So inaya ko s’yang kumain at pinapasok s’ya sa loob kahit na may mga nakatinging costumers. Akala ko palalabasin si nanay tulad ng sa ibang fastfood chains ngunit salamat kay Manong Guard na nakangiting tinanggap si nanay. Thumbs up po sa’yo, kuya!
Anyway balik tayo sa kwento ko, so ayon na nga kumakain na kami ni nanay. Unti-unti ko s’yang tinanong, sabi ko tagasaan s’ya. Ang sagot n’ya ‘Malayo po dito ma’am mga dalawa’t kalahating kilometro pa mula dito’. Tapos sagot ko sa kanya, ‘Bakit po naglalakad kayo ng ganoon kalayo?’ At parang maiiyak ako sa sagot n’ya na ‘Para po makakain ma’am, kasi po kahapon pa ako hindi kumakain’.
Nanghihingi po ako sa kapitbahay ko ng kaunting makakain ngunit ang sagot sa akin ay wala dahil ito’y kulang pa daw sa kanila at sapat lamang’. Hanggang sa nagkwento na s’ya. Isa daw po s’yang labandera sa kabila ng kanyang edad. Pero dala ng katandaan at kahinaan, nadulas daw po s’ya habang naglalaba at namamaga ang kanyang braso kung kaya hindi na s’ya makapaglabandera pa. Ayaw man daw po n’yang gawin ay napilitan s’yang mamalimos para may makain.
Then tinanong ko po s’ya kung nasaan ang mga anak n’ya. Sabi po ni nanay umuwi daw po ng probinsya dahil may problema. Iniwan daw po s’ya pansamantala sa kakulangan din ng perang pampamasahe nila. Hanggang sa tinanong ko ulit si nanay kung kelan s’ya babalikan ng anak n’ya sabi po n’ya kapag daw nakapagkopra na ang kanyang anak at may sapat ng pamasahe para masundo s’ya.
Gustong gusto na daw po n’yang makauwi sa kanila dahil nahihirapan na daw po s’ya sa kanyang sitwasyon ngunit sa kakulangan ng pera kaya hanggang ngayon ay di pa n’ya kapiling ang kanyang pamilya.
Nawa po ay matulungan natin si nanay at matulungan ny’o po akong maipaabot at ma-i-share ang mensaheng ito sa mga sangay ng gobyernong maaaring makatulong kay Nanay Julieta upang makapiling na n’ya ang kanyang pamilya. Maraming maraming salamat po.”
Sa nakakikilala sa mga kamag-anakan ni Lola Julieta, mangyaring ipagbigay alam lamang sa mga numerong +63926-656-7391. Gayundin sa mga gustong magpaabot ng tulong, kontakin lamang si Raine Guevarra sa kanyang Facebook account.
Sa ngayon ay umabot na sa 200+ likes at 150+ shares ang nasabing Facebook post. Click here for the development and update. – Marinduquenews.com
Story has been updated on January 24, 2018, 10:00 am.