Sa pagsisimula ng mahal na araw at bilang paghahanda sa nalalapit na Moriones Festival, nakipagpulong si Marinduque Congressman Lord Allan Jay Q. Velasco sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Marso 15.
Sa Facebook page ni Velasco, makikitang nakipagmeeting ang mambabatas kina Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro, Montenegro Shipping Lines Operations Manager Dennis Berania at Appropriations Vice Chairman Mark Aeron Sambar upang tiyakin na ligtas at sapat ang bilang ng mga bibiyaheng barko sa Marinduque ngayong Semanta Santa.
Ayon kay Velasco “Montenegro Shipping Lines committed to provide more ferries and additional trips to accommodate the expected crowd of tourists going to Marinduque during the Holy Week. Marina will be monitoring operations and facilitating documentation to ensure that the RoRo’s can extend more ferries during peak season”.
Isa ang Marinduque sa dinaragsa at paboritong pagbakasyunan ng mga turista tuwing mahal na araw dahil sa pamoso nitong Moriones Festival, bukod pa ang mga nagagandahang pook pasyalan kagaya ng Maniwaya, Mongpong at marami pang iba.