BOAC, Marinduque – Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations sa ‘cadaver’ na namataan ng isang mangingisda na nagpapalutang-lutang sa karagatan ng barangay Laylay, Boac, Marinduque kahapon, Oktubre 23, bandang alas-12:00 ng hapon.
Ayon sa report, kulay itim ang damit ng biktima at nakamaong na short. Nang makita umano ng mangingisda ang ‘cadaver’, nagulat at natakot ang nasabing mangingisda kaya iniwan niya ito upang humingi ng tulong.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Kabalikat 475 Marinduque, Boac Municipal Police Station, Marinduque Animal & Wildlife Rescue Team, Boac MDRRMO, Philippine Coast Guard Sub-station Balanacan & Gasan, Boac Bureau of Fire Protection at community volunteer ng barangay Maligaya, Buliasnin at Laylay subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang biktima.
Nananawagan naman ang mga rescuers na kung sakaling mapadpad ito sa inyong lugar ay ipagbigay alam agad sa kanila.
This is a developing story. Please refresh for updates.