BOAC, Marinduque – Ganap nang ipinatutupad sa bayan ng Boac ang ordinansa na nagbabawal sa mga mamamayang lumabas sa pampublikong lugar na walang damit na pang-itaas.
Ang kautusan na ito ay naaayon sa Municipal Ordinance No. 2018-237: an Ordinance Prohibiting the Act of Being Half-Naked or Shirtless in Public Places within the Territorial Jurisdiction of the Municipality of Boac’.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ang mahuhuling lumabag nito sa unang pagkakataon ay magmumulta ng P500; para sa susuway sa pangalawang pagkakataon ay P1,000; at P2,500.00 naman sa mahuhuli sa pangatlo at susunod pang paglabag.
Nabibilang naman sa exemption ang mga nanay na nagpapasuso sa sanggol, mga katutubong nagsusuot ng kanilang pang-etnikong kasuotan, mga naliligo sa dagat, ilog at swimming pool, pagtatanghal na may kaakibat na permiso mula sa munisipyo at pangyayaring hindi inaasahan.
Ang may-akda ng ordinansang ito ay si Kon. Bernadine O. Mercado na pinanukalaan ni Kon. Rolando M. Larracas. –Marinduquenews.com