Signal No. 1 nakataas na sa Marinduque dahil sa Bagyong Jolina

BOAC, Marinduque — Nakataas na ang Signal No. 1 sa lalawigan ng Marinduque dahil sa Bagyong #JolinaPH ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Si Jolina ay lumakas pa at ngayon ay ganap ng isang bagyo at inaasahang maglalandfall sa vicinity ng Hernani, Eastern Samar kung saan huling namataan ang mata ng bagyo.

Gumagalaw ang bagyo sa bilis na 20 km/h patungong West Norwestward direction.

Maliban sa Marinduque, nakataas rin ang Signal No. 1 sa southern portion ng Quezoon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Romblon. Signal No. 1 rin sa ilang bahagi ng Leyte, Southern Leyte, at sa northern portion ng Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, maging ang Dinagat Islands, Siargao Islands, at Bucas Grande Islands.

Signal No. 2 naman sa Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Northern Smar, ilang bahagi ng Samar, ilang bahagi ng Eastern Samar, Biliran at nortern portion ng Leyte.

Samantala Signal No. 3 naman sa southern portion ng Eastern Samar, at sa southern portion ng Samar.

Asahan ang malalakas na hangin at pag-uulan sa mga nabanggit na lugar gayun rin ang malalakas na alon sa karagatan. — Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!