BOAC, Marinduque – Isang araw makalipas manalasa ang bagyong Tisoy, agad na nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Boac sa Marinduque.
Sa resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Boac ngayong Miyerkules, Disyembre 4, sinasabi na umabot sa P198 milyon ang inisyal na pinsala ng bagyo sa taniman, kabuhayan, imprastraktura at komersiyo sa nasabing bayan.
Ayon pa sa resolusyon, 60 porsiyento mula sa 61 barangay na nasasakupan ng pamahalaang bayan ng Boac ang lubhang napinsala ng Bagyong Tisoy. – Marinduquenews.com