MOGPOG, Marinduque – Sa pagdating ng Kapaskuhan, taas-pasahe ang sasalubong sa mga pasaherong sasakay ng barko papunta at paalis ng Marinduque.
Base sa anunsyong nakapaskil sa Talao-Talao Port Terminal sa Lucena City, ang bagong pamasahe sa barko ng mga pasahero at sasakyang itatawid sa probinsya simula Disyembre 10, 2018 ay ang mga sumusunod:
[ninja_tables id=”5745″]
Ang dagdag-pasahe ay bunsod umano ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at krudo sa pandaigdigang merkado.
“Due to unaborted increase in the price of fuel, oil and lubricants which account for around sixty percent (60%) of our shipping revenue and in view of the extremely high costs of vessel dry docking repairs and maintenance, our corporation is constrained to slightly adjust the passengers and rolling cargo rates being charged along the route of Lucena City-Balanacan, Mogpog-Lucena City”, bahagi ng pahayag ng Starhorse Shipping Lines Management. – Marinduquenews.com