BOAC, Marinduque – Tumanggap ang 100 estudyante ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Marinduque ng toolkits at support fund mula sa programang Special Training for Employment Program (STEP).
Ang mga tumanggap ng welding helmets at welding machines ay nagmula sa Marinduque Training Institute na binubuo ng 25 mag-aaral na kumukuha ng kursong Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II at 75 estudyante na kumukuha ng kursong Shield Metal Art Welding (SMAW) NC I sa Top Global Skills Manpower Development Center, Inc.
Ang STEP na pinondohan ni Sen. Loren Legarda sa pakikipagtulungan ni Cong. Lord Allan Jay Q. Velasco ay nagnanais na maipaalam sa mga malalayong lugar ang kahulugan ng Technical-Vocational Education and Training at mga kursong pwedeng kunin sa ilalim ng TVET.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Nagpasalamat naman ang mga estudyante na nakatanggap ng toolkits matapos itong ibigay sa kanila kasama sina Mayor Augusto Leo Livelo, Former Board Member Jojo Alvarez at TESDA-Marinduque Provincial Director Juliet Loria.
“Nagpapasalamat po kami sa mga ibinigay sa amin na mga kit. Alam po naming na ito ay makatutulong sa aming kabuhayan at pag-unlad ng aming kakayanan“, sabi ni Rogen Mayores.
Tugon naman ni Loria na sana ay maging inspirasyon sila sa kanilang mga barangay na kinabibilangan upang sila ay makatulong sa kanilang mga pamilya.
“Ipamalita ninyo na ang TESDA ay may libreng kasanayan para makatulong at mapaunlad ang ating pamayanan. At ito rin ang layunin ng TESDA, na matulungan ang mga malalayong nayon o barangay upang magkaroon ng pagbabago sa ating mga kababayan na nasa malayong lugar”, dagdag ni Loria. –Marinduquenews.com