Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair, gaganapin sa Marinduque

Inaanyayahan ng Department of Trade and Industry-Marinduque ang mga kababayan sa lalawigan na lumahok sa Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair sa Hulyo 24.

Gaganapin ang Trabaho Negosyo Kabuhayan Fair sa Convention Center, Capitol Compound, Santol sa bayan ng Boac.

Ang Trabaho, Negosyo Kabuhayan Fair ay isang inisyatibo ng DTI para mapalago ang mga negosyo sa lalawigan.

Tampok sa aktibidad ang mga seminar tungkol sa Business Mind-setting, E-Commerce at Leathercraft Skills Training.

Ayon kay Rochelle Clamor, Trade and Industry Development Specialist, matutunan ng mga kababayan sa mga seminar nila kung paano mag-negosyo at kung ano ang mga katangian ng isang negosyante, paano magagamit ang internet sa negosyo at paano makakagawa at kikita sa paggawa ng leather products gaya ng wallet, bag at iba pang katulad na produkto.

Kasabay ng mga seminar ang Job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Mimaropa at ng Livelihood Manpower Development -Public Employment Service Office ng Marinduque kung saan may 20 kumpanya (lokal at internasyunal) ang naghahanap ng mga trabahador.

Bukod dito, magkakaroon ng national competency certification sa bartending at pagmamaneho at libreng pagmamasahe ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Naroroon din ang Philippine Statistics Authority para aplayan ang mga dokumento tulad ng birth certificate.

Mayroon ding booth ang Social Security System, PhilHealth at ang PagIbig para sa mga mangangailangan ng kanilang serbisyo.

Inaasahaang dadalo sa aktibidad sina DOLE Mimaropa Regional Director Joel Gonzales at DTI Assistant Regional Director Rodolfo Mariposque.Marinduquenews.com

Kabayan, help us to make this news platform up and running. Make a difference now!

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!