Pinuntahan ng mga divers mula sa University of the Philippines Maritime Science Institute (UPMSI) ang mga coastal areas upang mapag-aralan ang kalagayan ng karagatan sa lalawigan ng Marinduque. Partikular na sinuri ng grupo ang mga coastal barangay sa mga bayan ng Torrijos at Mogpog noong Enero 20 hanggang 29, 2017.
Nangyari ang pagbisitang ito sa tulong ng People and the Environment: Assessing Reef Fish Resiliency and Associated Livelihoods (PEARRL) na katuwang ang National Assessment of Coral Reefs Environments (NACRE).
Nais ding malaman ng grupong ito ang epekto ng pangingisda sa karagatan at coral reefs at ang epekto ng climate change sa mga yamang dagat ng probinsya.