Hiniling ni Marinduque Congressman Lord Allan Jay Velasco sa mismong presidente ng National Power Corporation (Napocor) na si Pio Benavidez na i-upgrade ang mga linya ng kuryente at dagdagan ang generator upang maayos ang voltage, supply at transmission ng kuryente sa lalawigan.
Ito ay matapos makaranas ng paulit-ulit at maya’t mayang brownout ang mga bayan ng Boac, Mogpog, Santa Cruz at Torrijos nitong mga nakalipas na araw.
Sa loob ng isang araw ay umaabot sa dalawa hanggang tatlong beses ang brownout na tumatagal nang tatlo hanggang apat na oras ang pinakamalala.
Read also: Marelco, perwisyong todo-todo
Nangako naman si Benavidez na maglalatag ng programa ang kanilang tanggapan upang maging maayos ang supply at transmission ng kuryente sa Marinduque.
Dagdag pa ni Benavidez, bago matapos ang taong 2017 ay magkakaroon ng alokasyon para sa upgrade ng 69kvh na transmission line at ito ang makatutulong upang tuluyan ng maayos ang daloy ng kuryente sa probinsya.
Source: Lord Allan Velasco Facebook Page