Nababahala si Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco sa pagkakakumpiska ng multi-bilyong pisong halaga ng ilegal na droga sa bansa.
Sa inilabas na pahayag, maliban dito, mas nakababahala aniya kung ano ang kahihinatnan ng mga nakumpiskang ebidensiya sa buy-bust operations.
“I am more concerned with what will happen to these pieces of evidence confiscated during the drug busts,” pahayag ni Velasco.
Hinikayat nito ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agency na maging maingat sa mga nakukuhang ebidensya laban sa mga responsable sa ilegal na transaksyon ng droga.
“I strongly urge them to handle with utmost care the evidence against those responsible for bringing in the illegal drugs so they can file appropriate charges against them with the court and win these cases,” ayon pa kay Velasco.
Ito ay para aniya maipanalo nang maayos ang mga ihahaing kaso laban sa mga suspek sa korte.
Aniya pa, matapos ang pagsasagawa ng imbentaryo sa mga kontrabando, mas makabubuti aniyang sirain ang mga droga bago maibalik sa merkado.
Binati naman ng kongresista ang mga otoridad sa pagrekober ng mahigit 500 kilo ng shabu kamakailan.
Ang sunud-sunod na pagsamsam sa mga ilegal na droga ay nagpapakita na matibay umano at epektibo ang kampanya kontra sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte. – This story was first published on Radyo Inquirer