BOAC, Marinduque – Aabot sa 659 kilo ng basura ang nakuha ng mga residente sa Boac, Marinduque na nakiisa sa ginawang paglilinis sa ilog kasabay ng paggunita sa World Water Day.
Isinagawa ang paglilinis noong Biyernes nang umaga, dalawang araw bago ang ika-23 anibersaryo ng Marcopper Mining Disaster.
Nilinis ng mga dumalo ang kahabaan ng 27 kilometrong Boac River na nasasakupan ng 26 barangay.
Matatandaang ang Boac River ang isa sa pinakanaapekÂtuhan ng Marcopper Mining Disaster noong March 24, 1996 matapos masira ang tunnel ng Marcopper Mining Corporation at kumalat ang mapanganib na kemikal. – This story was first published on Abante Tonite