90’s action icon na si Jeric Raval, napasyal sa Marinduque

Naaalala n’yo pa ba ang 90’s action icon na si Jeric Raval?

Leather jacket, kupas na pantalon, makintab na ayos ng buhok, iyan ang astig at matikas na dating ni Ricardo Buensuceso o mas kilala na Jeric Raval.

Nitong hapon ng Disyembre 16 ay nakita ng ating mga kababayan si Jeric Raval sa pantalan ng Balanacan, Mogpog pabalik na ng Maynila. Nanggaling ito sa shooting ng isang indie film na kinuhanan sa Maniwaya Island, Santa Cruz.

Si Jeric ang tinaguriang junior action star of the 90’s at prince of hard action.

Unang ipinakilala ni Eddie Garcia noong 1992 na Valentin Zapanta alyas Ninong. Nakitaan ng potensyal ng Octo Arts at nakagawa ng ilan pang action films gaya ng kalabang mortal ni Baby Ama, Boboy Salonga: Batang Tondo, Estribo Gang at ilan pang pelikula sa Regal Film.

Noong nakaraang araw, Disyembre 13 ay nagguest si Raval sa ABS-CBN sa programang ‘Magandang Buhay’ kung saan ay ipinakita n’ya ang kanyang husay sa pag-rap at pag-impersonate sa komedyanteng si Babalu at King of Philippine Movie, Fernando Poe Jr.


Sa kasalukuyan ay namumuhay si Jeric Raval kasama ang kanyang non-showbiz wife at limang anak sa Pampanga.

Photo courtesy of Elijah Joachim and Virgilio Camantiles
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!