Marinduque State College, gumawa ng alcohol mula sa tuba, nipa

BOAC, Marinduque — Nakatakdang magbigay ng 1,690 litro ng alcohol ang Marinduque State College (MSC) sa mga frontliner ng probinsya.

Ito ay dahil sa na-imbento nilang 95% alcohol na gawa mula sa tuba at nipa o mangrove palm sap.

Ayon sa pahayag ng pamantasan, nakatutulong sa paggagawa ng bio-ethanol ang bagong ‘distiller’ na donasyon ng Mariano State University.

Hindi lamang mga frontliner ang matutulungan ng proyekto dahil maging mga lokal na magsasaka ay kabilang rin. Binili kasi ng mga mananaliksik ang mga materyales na kanilang ginagamit sa paggawa ng alcohol mula sa mga magsasaka sa Barangay Maligaya at Caganhao sa Boac, at Barangay Yook at Bicas Bicas sa bayan ng Buenavista.

“MSC’s commitment to CHED is to deliver 1,690 liters of alcohol but we will produce more as long as there is a need (Ang pangako ng MSC sa Commission on Higher Education (CHED) ay makapagdeliver ng 1,690 alcohol subalit maaari kaming gumawa ng higit o mas marami pa rito kung kinakailangan)”, ani Dr. Doreen Mascareñas, project leader sa School of Agriculture.

Ang proyekto na pinondohan ng CHED ay may layuning makapagbigay ng natural at libreng alcohol sa mga barangay emergency response teams, Philippine National Police, Citizen Armed Force Geographical Unit volunteers, medical professionals at mga senior citizen, gayundin sa mga kawani ng MSC. — Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!